Makata · Mandudula | Poet · Playwright
Juan Ekis
Natuklasan ni Juan Ekis ang pagtula nang iputan siya sa ulo ng inmortal na buwitre habang nagpipista ito sa bangkay ng kinatay na tula. Umibig siya sa teatro nang masaksihan niya ang pagbulag sa isang pulubing nagmahal nang bawal. Nagtatrabaho siya bilang tagapamahala ng memorya sa Makati, at nagsusulat sa Mandaluyong kapag weekdays, sa San Pedro kapag weekends.
